Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito?
Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip...
Tulog sa gabi, laman ng panaginip...
Mahal ba kita? o ano... ? ewan ko!
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Simula nang makilala di maipinta,
Ngiti sa mata!
Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan...
'Di ko maintindihan, bakit ngayon lang,
Kung kelan ang puso ko ay maselan?
Hindi mo lang alam,
Takot lang akong masaktan.
Iniingatan lang aking puso.
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'Di na sana tayo nagkakaganito.
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo.
'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito?
Urong-sulong yan ang paborito.
Lilitaw, lulubog, 'tanong mo kahit sino!
Pakisabi na lang,
Ano ba talaga'ng gusto mong gawin ko?
Hindi mo lang alam,
Takot lang akong masaktan.
Iniingatan lang aking puso.
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'Di na sana tayo nagkakaganito.
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo.
Pakiusap lang,
Wag mo na akong tignan nang ganyan...
Nakakatunaw ang iyong tingin!
Hinay-hinay ka lang,
Mahina ang kalaban.
Baka 'di na maiwasang
Mahulog nang tuluyan!
Hindi mo lang alam,
Takot lang akong masaktan.
Iniingatan lang aking puso.
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'Di na sana tayo nagkakagulo-gulo!
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo.
Hanggang dito na lang,
Hanggang dito na lang!
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.