Dapit hapon naglalakad ako mag-isa
Di upang makatipid,
Ngunit para ako'y makapag-isip-isip
Inihagis ang bato at panoorin
Lumubog ito hanggang sa pinakamalalim
Habang hinayaan ang sarili
Malunod sa lungkot
Malunod sa lungkot
Kung sakaling mapundi ang pag-ibig mo sa akin
Ay hayaan mo kong magbigay ng liwanag para sa atin
Akala ko tayo hanggang dulo,
Ba't ngayon nag-iisa ako?
O diba wala akong natutunan,
Ang hirap mo pa rin kalimutan
Inihagis ang bato at panoorin
Lumubog ito hanggang sa pinakamalalim
Habang hinayaan ang sarili
Malunod sa lungkot
Malunod sa lungkot
Mmm...
Inihagis ang bato at panoorin
Lumubog ito hanggang sa pinakamalalim
Habang hinayaan ang sarili
Malunod sa lungkot
Malunod sa lungkot