words
Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita
Ngunit biglang isang umaga
Paggising ko'y wala ka na
Naglaho kang parang bula
Hindi alam kung bakit lumisan ka
Nag-iisip ng malalim kung ano'ng nangyari sa 'tin
Nababahala, baka 'di ka na bumalik sa aking piling
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo
Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik-balikan ang dating tagpuan
Baka sakaling naro'n ka't naghihintay, nalulumbay
Kasabay nang pagbuhos ng ulan
Pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan?
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo
At sandaling tumigil ang mundo nang malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko (sa piling ko)
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo