Hindi ka ba nagkakamali?
Mabuti ba ang iyong ugali?
Perpekto ba ang iyong itsura?
Sana nga ikaw ay sobrang ganda
Wala ka bang kapintasan?
Wala ka rin bang kahinaan?
Paghising mo ba'y mabango ang iyong hininga?
Kapag nagkaganon, e di ikaw na
Bato-bato sa langit,
tama ay wag magalit
Sana'y wag nang manglait,
sige baka si Lord sayo'y magalit
Sa pagsayaw ba'y ikaw'y merong ibubuga?
Baka naman parehong kaliwa ang paa
Ang boses mo ba'y parang angel sa langit?
Baka naman parang yerong ginugupit
Bato-bato sa langit,
tama ay wag magalit
Sana'y wag nang manglait,
sige baka si Lord sayo'y magalit
Ano ba ang kasalanan sa'yo?
At kung mag-comment kay parang ang galing-galing mo
At kung sakaling mag-re-react ka dito Itong katang ito ay para sa'yo
Bato-bato sa langit,
tama ay wag magalit
Sana'y wag nang manglait,
sige baka si Lord sayo'y magalit